fbpx
≡ Menu

Cesar Montano, gaganap bilang KAPA founder Pastor Joel Apolinario sa pelikula

Cesar Montano, gaganap bilang KAPA founder Pastor Joel Apolinario sa pelikula

Usap-usapan ngayon sa social media ang pagganap sa pelikula ni Cesar Montano bilang Pastor Joel Apolinario, founder ng Kapa-Community Ministry (KAPA).

Bago pa lumabas ang isyu tungkol sa investment pyramiding scheme ng organisyon, sinimulan na ang shooting ng life story ni Apolinario.

Si Empress Shuck naman ang gaganap na Reyna, asawa ni Apolinario.

Ang titulo ng pelikulat ay “A Boy’s Dream” at pinroduce ng GWARD Inc. at Independent Dream Entertainment Arts.

Ayon sa mga lumalabas na report, mahigit P50 billion ang budget para sa pelikula at manggagaling mismo sa pondo ng KAPA.

Nitong Hunyo 12, ibinahagi sa YouTube ang teaser ng life story ng kontrobersyal na pastor.

Sa ngayon, hindi pa inaanunsyo kung ipapalabas pa ito sa mga sinehan.

Kamakailan, inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang KAPA dahil gumagamit umano ito ng Ponzi Scheme para himukin ang publikong sumapi sa kanilang religious organization.