fbpx

Otso Diretso, nagbahay-bahay sa Caloocan; Leni Robredo, dumalo sa misa para sa Oposisyon Koalisyon



Read: Paano maging updated sa PhilNetizen sa inyong Facebook News Feed?

Nagsimula na ang opposition senatorial slate na “Otso Diretso” sa pangangampanya at para ipakilala sa publiko ang kanilang programa.

Kinabibilangan ang “Otso Diretso” nina Magdalo Rep. Gary Alejano, Senador Bam Aquino, human rights lawyer Chel Diokno, civic leader Samira Gutoc, dating Solicitor General Florin Hilbay, election lawyer Romulo Macalintal, dating Interior Secretary Mar Roxas at dating Deputy Speaker Erin Tañada.

Nagbabahay-bahay ang mga ito sa Caloocan bago ang pagtitipon ng mga volunteer sa San Roque Cathedral sa A. Mabini Street.

Nakiisa naman Vice President Leni Robredo at dating Pangulong Benigno Aquino III sa idinaos na misa para sa mga kandidato ng opposition.

Maliban sa dalawa ay sumama rin sa misa sina Senadora Risa Hontiveros at Senador Antonio Trillanes IV.

Hindi naman nakasama sa kanila si Roxas dahil nangampanya ito sa hometown niyang Capiz.

Sa kabila nito, magkakasama-sama umano silang lahat sa official campaign kick-off at proclamation rally ng ‘Otso Diretso’ sa Naga City, Camarines Sur sa Miyerkoles, Pebrero 13.

READ:  Atty. Larry Gadon, sinupalpal si Karen Davila ng katotohanan sa LIVE senatorial debate

Like it? Share with your friends!

Leave a Comment