IATF, iri-rekumenda kay Pangulong Duterte na gawin pa ring mandatory ang pagsusuot ng face shield sa pampublikong lugar

Iaapela ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin na ang paggamit ng face shield sa pampublikong lugar at sa mga ospital na lamang ito gamitin.

Ito ay matapos kumpirmahin ni Presidential Spokesman Harry Roque ang tweet ni Senate President Vicente Sotto III matapos ang pulong nito at ilang senador kay Pangulong Duterte sa Malacañang.

Sinabi ni Roque na kapag nagdesisyon ang Pangulo ay magiging isa na itong polisiya para sa buong bansa.

“I can only confirm what Senate President Tito Sotto and what Senator Joel Villanueva said earlier that the President did say that the wearing of face shield should only be in hospitals,” sabi ni Roque.

“I think the possible move of the IATF now is to appeal what the President said and what was repeated to the public by the Senate President and Senator Villanueva,” dagdag niya.

Inihayag ni Roque na batay sa posisyon ng Department of Health (DOH) ang faceshield ay dagdag na proteksyon ng bawat indibidwal laban sa COVID-19 sa mga inclosed places tulad ng malls, palengke, groceries at religious services habang isinasagawa ang mass vaccination ng gobyerno.

“The IATF resolved to recommend to President Rodrigo Duterte the mandatory wearing of face shields in enclosed/indoor spaces of hospitals, schools, workplaces, commercial establishments (such as but not limited to food establishments, malls and public markets), public transport and terminals, and places of worship,” ani Roque.

Dagdag pa ni Roque na habang wala pang desisyon si Pangulong Duterte sa usaping ito, mananatiling epektibo ang existing policy kaugnay sa paggamit ng face shileds.

“While waiting for the President’s decision on the matter, the existing policy on the use of face shields remains in effect,” sambit ni Roque.