fbpx
≡ Menu

Leni Robredo, nais bigyan ng leksyon ang mga troll accounts na nambu-bully sa Facebook

Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang social media giant na Facebook na gumawa ng legal na aksyon laban sa mga nasa likod ng mga peke o troll accounts.

Ito ay kasabay ng pagtatanggal ng Facebook sa 200 pages, groups at accounts ni Nicanor Gabunada Jr. dahil sa umanoy “coordinated” at “inauthentic behavior”.

Sa programang Biserbisyong Leni ni Robredo, nararapat umanong managot sa ilalim ng batas ang mga nagpapalaganap ng pekeng accounts sa social media para mabigyan ng leksyon.

“Maybe it would be better if they look into these pages to see if cyber-bullying is involved so that online trolls will be given a lesson,” saad ni Robredo.

Mababatid na nasa 67 Facebook pages, 68 accounts, 40 groups at 25 Instagram accounts ang tinanggal sa social media platform.

“This is saddening. For the past three years, we knew this was happening. The announcement on Friday was the confirmation,” ani Robredo.

Magugunitang inihayag ni dating PNP Chief Ronald Dela Rosa na ang “palit-ulo” scheme ay hindi katulad ng sinabi ni Vice President Leni Robredo na malinaw umanong labag sa batas.

PANOORIN: PAGKAKALAT NG FAKE NEWS TUNGKOL SA ILOCOS NORTE NI VP LENI ROBREDO SA IBANG BANSA, NAKAKAHIYA AYON KAY ILOCOS NORTE GOV. IMEE MARCOS