in

Otso Diretso, napahiya at nilangaw sa campaign rally sa Hong Kong; OFW, sumisigaw ng Duterte

Lumipad patungong Hong Kong ang mga kandidato ng Otso Diretso upang hingin ang suporta ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa kanilang kandidatura sa darating na 2019 midterm elections.

Sa naganap na pangangampanya, tinalakay ng grupo ang employment, seguridad at karapatan ng mga OFW sa Hong Kong.

Samantala, ipinakita naman ng ibang OFW na buo parin ang kanilang suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsigaw ng “Duterte, Duterte, Duterte!” habang ipinapakilala ang mga kandidato ng oposisyon.

Ayon sa ulat, mataas ang nakuhang boto ni Pangulong Duterte mula sa mga OFWs sa Hong Kong noong 2016 presidential elections.

Tinatayang nasa 87,000 Pinoy OFWs sa Hong Kong ang kwalipikadong bumoto sa 2019 midterm elections.

Ayon naman sa analyst na si Michael Henry Yusingco ng Ateneo Policy Center, nakapagdesisyon na umano ang mga OFW bago pa nagsisimula ang kampanya at mahihirapan ang Otso Diretso na hingin ang boto ng mga pinoy workers sa iba’t-ibang bansa.

“I think overseas Filipinos have already made up their minds even before the campaign period has begun. The wooing, ‘yung panliligaw sa OFW, dapat that should happen even before the campaign period. If you reach out to them now, most likely they are just going to say why only now?” ani Yusingco.

Kasalukuyang nasa Hong Kong pa rin ang lima sa walong kandidato ng oposisyon na kinabibilangan nina Erin Tañada, Samira Gutoc, Chel Diokno, Florin Hilbay, at Romulo Macalintal.

PANOORIN: OTSO DIRETSO, NILANGAW AT NAPAHIYA SA HONG KONG; MGA OFW, SUMISIGAW NG DUTERTE

https://www.youtube.com/watch?v=Bo2WTdOePNY

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0