fbpx
≡ Menu

Hidilyn Diaz, hiniling umano sa gobyerno na gawing conditioning coach ang boyfriend sa halagang $1,900

Hidilyn Diaz, hiniling umano sa gobyerno na gawing conditioning coach ang boyfriend sa halagang $1,900

Naging kontrobersiyal ang Olympic silver medalist na si Hidilyn Diaz dahil sa naisip niyang humingi ng tulong sa mga pribadong sektor para sa kanyang paghahanda sa 2020 Tokyo Olympics.

Usap-usapan ngayon so social media ang rebelasyon ni dating Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Aparicio Mequi patungkol kay Hidilyn at sa karelasyon nito na si Julius Irvin Naranjo.

Giit ni Mequi na hiniling umano ni Diaz sa gobyerno na gawing conditioning coach ang karelasyon sa halagang $1,900.

“She wanted PSC to hire him as her strength and conditioning (S&C) coach with a salary of $1,500 and condo inclusive of utilities at $400 or a total of $1,900/month! Now, this fella is from Guam, named Julius Irvin Naranjo. If he really cares for and loves Hidilyn, why doesn’t he just help her without asking for remunerations?” saad sa post ni Mequi.

“Does he have a working Visa? If none, then BOI should deport him asap! Anyway, PSC didn’t grant this special request for Hidilyn. Hopefully, she will not use this as an excuse if she doesn’t win a medal in the Tokyo 2020 Olympic Games,” dagdag niya.

Samantala, bilang tugon sa naging hinanaing ni Diaz ay nangako si PSC Chairman William Butch Ramirez na dadagdagan pa nito ang suporta kay Diaz sa naganap nilang pagpupulong.

“The government will continue to support her. We have pledged our support before, and we will continue to do so because we are focused on that Olympic gold as much as Hidilyn is,” saad ni Ramirez.