Doktor at presidente ng Philippine Pediatric Society, pumanaw na; ika-9 na doktor na nasawi dahil sa COVID-19

Doktor at presidente ng Philippine Pediatric Society, pumanaw na; ika-9 na doktor na nasawi dahil sa COVID-19

Nagpaabot nang kanyang labis na kalungkutan si Health Sec. Francisco Duque III nang makarating ang balita sa panibagong doktor na namatay sa Pilipinas dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Duque, kaibigan pa naman daw niya ang namatay na si Dra. Sally Gatchalian na pumanaw ngayon Huwebes, March 26, sa Manila Doctor’s Hospital.

Si Gatchalian ang current president ng Philippine Pediatric Society, Inc. at kapatid ng TV host-actress na si Ruby Rodriguez.

Sa kanyang official statement, ito ang sabi ni Ruby:

“As of 6AM, my sister Dr. Sally Gatchalian who fought really hard has joined our Lord God and creator. We, her family, thank you all sincerely for praying with us. Stay safe and keep on praying.”

Pumalo na ngayon sa siyam ang kabuuang bilang ng mga doktor sa Pilipinas na namatay dahil sa COVID-19, ayon ito kay Dr. Dennis de Guzman na dating assistant secretary-general ng Philippine Medical Association.

Matatandaan na nanawagan si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa kanilang mga pasyente na huwag maglihim ng mga medical condition at travel history sa mga frontliner dahil mae-expose sa virus ang mga health worker.

Source: GMA News