BAKIT NAMAMALIMOS? Jay Sonza, binira ang ABS-CBN dahil sa umano’y panghihingi ng donasyon para sa pagpapagamot ni Doris Bigornia

Binira ng retiradong mamamahayag na si Jay Sonza ang Kapamilya Network dahil sa umano’y pamamalimos ng mga kaanak ng reporter na si Doris Bigornia.

“Ang sabi ninyo Kapamilya takes care of its people. Bakit namamalimos ang kaanak ni Doris Bigornia? I pity those artists na nagpapagamit sa mga Lopez at sa ABS-CBN,” pahayag ni Sonza sa kanyang Twitter account.

Kumakatok ang pamilya ni Bigornia sa publiko para sa panalangin at tulong-pinansiyal dahil sa pinagdaraanan ng reporter.

“Nasa ospital pa po si Mommy, kaya tina-try ko pong maging matatag at matapang para kay Mommy, tulad niya,” pahayag ni Nikki Bigornia.

Higit isang buwan nang naka-confine sa ospital si Bigornia matapos isugod sa emergency room noong Pebrero 22 dahil sa heart attack.

“Nalaman po namin na may heart failure na po, which also means na nagha-heart attack na po siya. Nalaman din namin na marami siyang iba pang sakit. Naglabasan na po ang kaniyang mga sakit. May kidney failure na po siya. Nagda-dialysis po siya for that. Tapos diabetic po siya. At nalaman din po na may fluid in her lung area which until now, we are trying to address,” kuwento ni Nikki.