in

Pangulong Duterte, mag-uuwi ng higit $12-B investment at trade deals sa pagdalo sa 2nd Belt and Road Forum sa China

Nasa 19 na mga kasunduan ang naisara ng mga economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagkakahalaga ng $12.165 billion sa pagdalo sa 2nd Belt and Road Forum sa Beijing, China.

“President Rodrigo Roa Duterte witnessed the exchange of 19 signed business agreements with Chinese firms, amounting to$12.165 billion in investments/trade leading to a projected employment of 21,165 jobs, on April 26 at the sidelines of the 2nd Belt and Road Forum in China,” pahayag ng Department of Trade and Idustry (DTI).

Personal na sinaksihan ng Pangulo ang paglagda ng mga kasunduan na may kinalaman sa enerhiya, infrastructure and telecommunications, economic zone and industrial park development, turismo, pagkain at agrikultura.

Binubuo ito ng isang contract agreement, tatlong cooperation agreement, dalawang purchase framework agreement at labing tatlong memoranda of agreement at memorandum of understanding.

Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na inaasahang magbibigay ito ng 21,000 na karagdagang trabaho para sa mga Pilipino.

“The Duterte administration is pushing for investments on energy and manufacturing for the Philippines to broaden its manufacturing base and increase its exports. Among the agreements are energy projects that will help the country decrease its dependence on oil and gas imports. There will also be several industrial parks to bring jobs to Filipinos in the countryside,” ang pahayag ni Secretary Lopez.

Maliban sa mga naisarang pamumuhunan ay nagpahayag din ng intensiyon ang AAC Technologies na mag-expand ng kanilang kasalukuyang operasyon sa Pilipinas at planong maglagak ng karagdagang $30 million para mag-manufacture ng stepper motor at motor reducer na magdadagdag ng tatlong libong trabaho sa susunod na tatlong taon.

Tinatayang, dalawang Pilipinong kompanya naman ang nakatakdang mag-supply ng $40 million halaga ng mga pinya sa China at $36.5 million na halaga ng mga buko na magdadagdag ng trabaho para sa mga Pilipino.