in

Tapat na pulis ng Davao City, nagsauli ng natagpuang bag na may lamang P100K

Humanga ang netizens sa katapatan na ipinakita ng dalawang pulis na nagsauli ng malaking halaga ng pera na kanilang natagpuan sa gilid ng kalsada.

Ayon kay Avon Docog, asawa ni Police Corporal Brian A. Docog, masaya siya sa pagiging tapat ng kanyang asawa at kasamahan nito na si Police Auxiliary Eulalio Bucod Jr., pawang naka-assign sa Sta. Ana PNP matapos makapulot ng isang bag na naglalaman ng dokumento, at pera na nagkakahalaga ng higit P100,000.

i can’t contain my happiness seeing my husband so eager to give these back to the owner… on his way to our house with his police auxiliary, it just so happened nga naa silay nakita nga bag kilid sa kalsada along Marfori,. iyahang gipunit & pag tan-aw niya kay money ang sulod..pag abot iyaha gi estorya sa akoa ang nahitabo,& akoa gi tan-aw tanan sulod ofcors pra mahibal-an kinsay tag iya & nakakita kog resibo sa palawan nga naay contact # niya, & wla mi gikuha bisag piso ha… so mao to, akng gipatawagan sa akng bana & nag kontakay na cla, the owner cried for joy… nahulog rjd daw iyang sling bag sa ilang car… it’s a very huge amount & i know dili lalim mangitag kwarta & dili lalim mawalaan, i’ve been there, nawalaan pd kog mas labaw pas kwarta(akng phone with 20K photos) wala jd na uli, all the memoirs was there, pero wala koi gi blame bisag kinsa, i just leave it to our big God all in all, i’m just super proud of u PCpl Nairb Docz of PS1 (Sta.Ana, Davao City) i’m beyond happy, a big salute to u my honest policeman!

Hindi naman napigilan ng may-ari ng bag na maiyak at magpasalamat nang maibalik sa kanyang ang pera at mga dokumentong nawawala.

Dahil dito, maraming netizens ang namangha sa kabutihang pinamalas ng dalawang pulis dahil hindi umano sila nagpasilaw sa malaking halaga ng pera.