in

Lolong nagtitinda ng saging na binayaran ng pekeng P1,000, naiyak sa lungkot

Naging viral sa social media ang kuwento ng isang matandang lalaki nang pagbentahan niya ng tindang saging ang isang customer na nagbayad ng pekeng P1,000.

Ayon sa Facebook post ng concerned netizen na si An Ge Lie, nagtitinda sa isang palengke si Lolo Solomon Alfanta kasama ang asawa nito sa Minglanilla, Cebu nang maisahan ng isang customer na bumili ng saging na nagkakahalaga ng P100, ngunit nagbayad ng pekeng pera.

Nabigla raw si Lolo Solomon ng iniwan ang saging at dali-daling umalis ang mapanlinlang na customer matapos makuha ang P900 na sukli.

Dahil sa naramdamang awa ng concerned netizen na si An Ge Lie, agad-agad siyang nanghingi ng tulong sa local news page na Minglanilla Flash Report upang mahuli ang nagbayad ng pekeng pera sa matanda.

Gumawa rin ng live video ang netizen upang mangolekta ng tulong sa mga netizen na naantig sa kuwento ni Lolo Solomon.

Ayon naman sa Facebook page na Minglanilla Flash Report, nangyari umano ang insidente sa Reynadelle Store sa The New Market place sa Minglanilla, Cebu.

Sa gitna naman ng kanyang naranasan, bumuhos ang tulong para kay Lolo Solomon.