fbpx

85-anyos na lola, natagpuan na lamang na patay sa puwesto niya habang nagtitinda



Nakakadurog ng puso ang viral na larawan ng isang matandang babae na natagpuan na lamang na patay sa lugar kung saan siya nagtitinda.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Kevin King Jardiolin Malabug, 85-anyos na umano ang matandang nakilala lamang na si Lola Juanita.

Nagtitinda raw ito at hindi agad napansin ng mga dumaraan na wala na pala itong buhay sa kanyang puwesto ng paninda.

Makikita na nakasubsob ang matanda na parang nakatulog lang ito ngunit nang usisain, hindi na pala ito humihinga.

Ayon kay Kevin, magsilbing aral nawa ito sa atin lalo na sa mga mayroon pang mga lolo at lola.

Aniya, pahalagahan natin sila habang sila ay nabubuhay at kung sila ay nagtatrabaho pa sa kabila ng kanilang edad para sa inyong pamilya, malaking bagay na tulungan sila at bigyan naman ng oras na magpahinga.

READ:  Netizen, ibinahagi ang umano'y sirang fire exit ng Ascott Makati nang mangyari ang magnitude 6.1 na lindol

Like it? Share with your friends!

Leave a Comment