≡ Menu

Pilipinas, ginawaran bilang ‘Best SEA Games’ organizer ng Sports Industry Awards Asia

Pilipinas, ginawaran bilang ‘Best SEA Games’ organizer ng Sports Industry Awards Asia

Kinilala ng Sports Industry Awards (SPIA) Asia ang Philippine Southeast Asia Games Organizing Committee (PHISGOC) bilang ‘Best SEA Games’ organizer kaugnay sa matagumpay na ginawa nitong pagdaraos ng world class opening ceremonies at pag-oorganisa ng 56 sports at 530 events.

Itinuturing na isa sa mga prestisyoso at kinikilalang award-giving bodies ang SPIA Asia dahil sa pagkilala nito sa mga nagho-host ng sporting events at sport personalities sa nakaraang limang taon.

Bilang isa sa leading sports business conference at awards platform, kinilala at pinarangalan ng SPIA Asia ang Asia’s Top 10 sa 25 distinct awards categories kabilang ang Asia’s Best Sportsman at Asia’s Best Sports Woman category, kung saan bibigyan ng Gold, Silver, at Bronze award ang best performers.

Personal na iginawad ni SPIA CEO Eric Gottschalk kay PHISGOC Chairman Alan Peter Cayetano at PHISGOC Chief Operating Officer Ramon Suzara ang award sa isinagawang conference na inorganisa ng SPIA Asia sa Grand Hyatt Hotel.

Nagpasalamat naman si PHISGOC Chief Operating Officer Ramon Suzara sa SPIA at sinabing ang pagkilala ang mabibigay inspirasyon sa PHISGOC workforce na magtrabahong mabuti sa natitirang ilang araw sa biennial meet.

Matapos ang 14 taon, naging punong abala ang Pilipinas sa ika-30th South East Asian Games at sulit naman ang matagal na paghihintay dahil binigyan ito ng isa namang oportunidad upang patunayan na karapat-dapat itong maging host ng biennial games at tawaging sports ‘powerhouse’ ng rehiyon.

Matapos tatlong araw, nakatipon ang mga atleta ng kabuuang 90 medalya matapos dominahin ang lahat halos ng kumpetisyon.

HIGHLIGHTS: 2019 SEA GAMES OPENING CEREMONY