in

Higanteng cutter head ng gagamiting tunnel-boring machine sa Metro Manila Subway Project, dumating na sa Pilipinas

Nasa bansa na ang cutter head ng tunnel-boring machine (TBM) na gagamitin para sa Metro Manila Subway Project.

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, nakatakda nang simulan ang 28.3-kilometer tunnel na kauna-unahan sa Pilipinas.

Aabot naman ng halos P357 billion ng halaga ng proyekto at ang unang 3 sa 15 stations nito ay inaasahang magiging operational na sa 2022.

Babagtasin nito ang mula Mindanao Avenue hanggang Tandang Sora at didiretso sa North Avenue.

Ang Metro Manila Subway ay isa sa natatanging proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build program ng administrasyong Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment