≡ Menu

Raffy Tulfo, inaksyunan ang matapobreng doktor na nang-aalipusta ng isang driver

Raffy Tulfo, inaksyunan ang matapobreng doktor na nang-aalipusta ng isang driver

Matapos kumalat sa social media ang viral video ng paninigaw at pagmumumura ng doktor na si Tomas Joaquin Mendez, ay dumulog ang mag-asawang biktima sa programa ni Raffy Tulfo upang humingi ng tulong.

Mabilis na nag-viral ang video na ibinahagi ng misis ng driver na si Merly Paredes kung saan kitang-kita ang pagsigaw at pagmumura ni Mendez, isang dating resident trainee sa St. Luke’s Medical Center at kasalukuyang doktor at surgeon diumano sa Diliman Doctor Hospital.

Kwento ng driver na si Santiago Paredes, nasa tamang linya sila at galing ng tunnel at paglabas doon ay gusto diumano mag-overtake ni Mendez na hindi posible dahil nasa traffic sila at dahil nasa linya sila hindi niya pinagbigyan na mauna ito.

Nung nakalusot sa kabilang linya ang sasakyan ni Mendez, ay bigla na lang silang binato nito sabay pasok sa gasoline station.

Sinundan ni Santiago ang nambato para komprontahin dahil mali ang ginawa nitong pangbabato sa kanila ngunit bago pa man sya makapagsalita ay lumapit na si Mendez at bigla na lang silang pinagmumura, nilait at kung ano-ano ang pinagsasabi .

Matapos marinig ang salaysay ng mga biktima, inihayag ni Mr. Raffy Tulfo na kanilang tinawagan ang clinic ng nasabing doktor at nakausap ang secretary nito ngunit ito daw ay takot magsalita.

Gayunpaman, inilatag ni Idol Raffy ang mga aksyon na gagawin nila sa walang modong motorista.

Una. Ilalakad diumano nila ito sa Land Transportation Office (LTO) at patatanggalan ng lisensya si Mendez dahil sa road rage na ginawa nitong pangbabato sa sasakyan ng mga biktima.

Dagdag pa niya na hindi lamang unang beses ito ginawa ng doktor, kung hindi ay nangyari na din nung nakaraang taon sa ibang motorista na nakuhanan din ng video.

Pangalawa. Patatanggalan nila ito ng lisensya sa Professional Regulation Commission (PRC) dahil sa hindi lamang daw na isang beses itong nagwala at sadyang mali para sa katulad niya na isang doktor, lalo pa isa siyang surgeon na magpakita ng ganong asal.

Pangatlo. Pwede din daw itong kasuhan ng kriminal na kaso na unjust vexation at child abuse dahil sa pangbabato nito sa sasakyan ng mga biktima na may mga batang menor de edad na sakay.

Tinanong din ni Tulfo kung ano ang gustong paraan ng mga biktima at sagot naman ni Santiago ay gusto lang niyang maturuan ng leksyon si Mendez upang hindi na maulit sa ibang tao.

Pangako naman ni Tulfo na gagawa siya ng paraan upang wala ng tatanggap na ospital pa sa nasabing doktor dahil ‘balasubas’ at ‘unstable’ diumano ang pag-iisip nito na sadyang lubhang mapanganib na kondisyon sa mga magiging pasyente nito.

Ayon din kay Tulfo nag-isyu na ng ‘show cause order’ ang LTO laban sa driver at kapag hindi ito sumagot at matatanggalan ito ng lisensya, maliban na lamang daw kung makikipag-areglo ang kabilang panig at mga biktima.

PART 1 | VIRAL VIDEO NG DOKTOR NA NAGWALA AT NANGLAIT NG KAPWA MOTORISTA, INAKSYUNAN