Matapat na aso, naghintay nang 3 buwan sa ospital matapos pumanaw ang amo sa COVID-19

Matapat na aso, naghintay nang 3 buwan sa ospital matapos pumanaw ang amo sa COVID-19

Isang matapat na aso sa China ang nagpagala-gala nang tatlong buwan sa ospital kung saan namatay ang kanyang amo.

Noong Pebrero nang ma-confine sa Wuhan Taikang Hospital sa Hubei Province ang amo ng aso na si Xiao Bao (Little Treasure) dahil sa sintomas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon ulat ng Daily Mail.

Hindi na nakita pa ng aso na lumabas sa loob ng ospital ang kanyang amo na pumanaw na pala makalipas ang isang linggo.

Nanatili si Xiao Bao sa harap ng ospital, minsan ay nag-iikot naman sa lobby, at pinapakain ng health workers o ng iba pang staff.

Nang lumuwag ang lockdown noong April, nagdesisyon ang shopkeeper na si Wu Cuifen na iuwi at alagaan si Xiao Bao.

Pero ayon kay Wu, na siya ring nagpangalan sa aso, kahit malayo na ay bumabalik pa rin sa ospital ang tapat na alaga.

“I first noticed the little dog when I returned to work in the middle of April. I called him ‘Xiao Bao’. That’s the name I gave him. They told me Xiao Bao’s owner, a pensioner, was admitted with the coronavirus. Then he passed away, but Xiao Bao didn’t know and just stayed in the hospital looking for him,” saad ni Wu.

“It never left the hospital. It was incredibly touching, and so loyal. I grew familiar with the dog and later brought him into the shop. Every morning when I opened up, Xiao Bao would be there waiting for me. He saw me off at the end of each day,” dagdag pa niya.

Gayunpaman, hindi rin nagtagal nang magkaroon na ng mga reklamo tungkol sa hayop sa ospital kaya ibinigay na ito sa pangangalaga ng isang animal welfare organization.

Sa ngayon, bumuhos ang aplikasyon sa Wuhan Small Animal Protection Association ng mga gustong mag-ampon sa tapat na si Xiao Bao.