fbpx
≡ Menu

Antonio Trillanes, pinayuhan ang gobyerno na payagan munang mag-operate ang KAPA para mabayaran ang miyembro

Antonio Trillanes, pinayuhan ang gobyerno na payagan munang mag-operate ang KAPA para mabayaran ang miyembro

Inihayag ni outgoing Sen. Antonio Trillanes IV na dapat payagan ng gobyerno na mag-operate pansamantala ang Kapa Community Ministry International o KAPA kahit 30 araw, para maibalik ng mga ito ang nakolekta nilang pera sa mga miyembro.

“Para sa gobyerno, habang iniimbestigahan nila kung anuman ang violation, payagan ang KAPA na mag-operate temporarily, at least 30 days, para mabigyan ito ng pagkakataong isauli ang mga naiiwang pera na hawak nila para sa kanilang miyembro,” sabi ni Trillanes.

“Gayundin, sa lalong madaling panahon, gumawa ang gobyerno ng inventory ng mga nakuha nilang pera or property mula sa KAPA at gumawa ng distribution plan para sa pag-distribute nito sa mga miyembro ng KAPA,” dagdag niya.

Matatandaan na sinimulan ng gobyerno ang legal na aksyon nito laban sa KAPA matapos iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasara sa mga opisina nito dahil isyu ng investment pyramiding scam.

Mababatid na pinapangakuan ng KAPA, na pinamumunuan ni Pastor Joel Apolinario, ang 30% “love gift” sa bawat miyembro nito kada buwan.