fbpx
≡ Menu

Leni Robredo, walang pag-asa na manalo kay Sara Duterte sa pagka-pangulo kung ngayon ang halalan

Mahihirapan ang mga makakalaban ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa eleksyon sa 2022 sakaling magpasya itong kumandidato sa pagka-pangulo kapalit ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na si Mayor Sara ang pinaka-popular na Mayor ngayon sa bansa at kung ngayon gagawin ang halalan ay tiyak na mananalo ito.

Maging si Vice President Leni Robredo aniya ay hindi kakayanin na talunin ang anak ng Pangulo sakaling magharap ang dalawa.

“Walang mananalo sa kanya, siya ang pinaka-popular ngayon na Mayor. If we talk of possibilities, gaya ng sinasabi ko we have limitless possibilities, we will never know what will happen in three years. maraming mangyayari,” ani Panelo.

Bagama’t ayaw ni Pangulong Duterte na tumakbo ang kanyang anak, sinabi ni Panelo na gusto siya ng mga tao na tumakbo sa pagka-pangulo dahil nakikita kay Mayor Sara ang talino at political will ng isang lider.

Binigyan aniya ni Mayor Sara ang sarili hanggang sa susunod na taon para magdesisyon kung tatakbo o hindi sa 2022.

“Sabi niya she gave herself a deadline next year. Depende siguro ‘yon. The father does not want pero people want her to run, she might rise to the challenge, she has the intellect and political will. If she runs now, overwhelmingly. She doesnt need convincing, people will make her run,” dagdag pa ni Panelo.

Magugunitang una ng nagsabi si Rorebdo na bagama’t wala siyang planong tumakbo sa pagka-pangulo sa taong 2022, bukas umano siya sa mga posibilidad.