in

CHR, kinondena ang pagpatay sa 16-anyos na babae; tutulong sa imbestigasyon sa Cebu

Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang brutal na pagpatay sa isang 16-anyos na babae sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Ang biktimang si Christine Lee Silawan ay natagpuan na walang buhay, tadtad ng saksak, walang saplot pang-ibaba at binalatan ang mukha sa bakanteng lote noong Lunes, Marso 11.

Sa isang pahayag, sinabi ng CHR na walang sinuman ang nararapat na makaranas ng kahalintulad na karahasan lalo na ang isang inosenteng bata.

“The Commission on Human Rights strongly condemns the brutal rape-slay committed against a 16-year old girl in Sitio Mahayahay, Barangay Bangkal, Lapu Lapu City. No one deserves to suffer from such violence, especially that the victim is an innocent child. No one deserves to suffer from such violence, especially that the victim is an innocent child. This act desecrates human dignity and must be punished,” saad ni Jacqueline De Guia, spokesperson ng CHR.

Ang ginawa umano kay Silawan ay pambabastos sa dignidad ng tao at dapat maparusahan ang nasa likod nito.

Dahil dito, magpapadala ang CHR-Region 7 ng Quick Response Team para tumulong sa imbestigasyon sa pangyayari at pagpapanagot sa mga kriminal.

“This act desecrates human dignity and must be punished. To this end, CHR-Region VII will be dispatching a Quick Response Team to help in the investigation and in pursuing all perpetrators of the said crime,” dagdag ng ahensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0