in

Mayor Abby at Junjun Binay, nagka-initan sa isang election forum sa loob ng simbahan

Sa loob mismo ng simbahan ng San Ildefonso sa Makati City, nagbangayan at nagbatuhan ng putik ang magkapatid at magkatunggali sa pagka-alkalde na sina incumbent Mayor Abby Binay at former Mayor Junjun Binay.

Ito’y matapos na pahintulutan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na gawin sa loob ng naturang simbahan ang inorganisa nitong election forum .

Unang nagpasaring si Abby laban sa katunggali nitong kapatid na si Junjun hinggil sa umano’y pagpapakalat nito ng fake news o maling impormasyon habang nangangampanya.

“Sa natitirang panahon sa ngayon sa kampanya tigilan na ang pagkakalat ng kasinungalingan, tigilan na ang pagkakalat,” saad ni Abby.

Iginiit ni Junjun na ang kapatid niya ang nauna at inihayag lamang niya ang kanyang saloobin.

Ito umano ang dahilan kaya biglang nagalit si Junjun sa kapatid habang sila ay magkatabi sa simbahan.

“Alam mo ate Abby, nandito tayo. Pwede po katahimikan pinandidilatan po ako ng kapatid ko. Bakit ko gagawin? Nagsasabi raw ako ng kasinungalingan. Ibang klase,” depensa ni Junjun.

“O ayan lumalabas tunay na ugali. Walang respeto. Ako po ay humarap dito ng buong paggalang sa simbahan pero pangdidilatan ako ng mata ng kapatid ko. ’Yung ospital ng Makati hanggang ngayon hindi nagagawa,” dagdag nito

Daan-daang mga taga-Makati ang dumalo sa forum sa San Ildefonso Parish at nasaksihan mismo ng mga ito ang pagtatalo ng dalawang magkapatid na kapwa tumatakbo sa magkaparehong posisyon.

Agad namang pumagitna ang amang si Dating Vice President Jejomar Binay upang awatin at paghiwalayin ang mga anak.

Kabilang din sa umawat si Makati City Police Chief Pablo Simon.

Matatandaan na pinatay ang dating aide ni Junjun na si Monette Bernardo matapos itong barilin ng riding in tandem sa Brgy. Olympia, Makati City.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0