in

Archdiocese ng Philadelphia, nakikipagtulungan sa Pilipinas ukol sa rape case ng paring Pinoy

Tiniyak ng Archdiocese ng Philadelphia na nakipagtulungan ito sa mga awtoridad kaugnay sa kasong rape na kinakaharap ng isang paring Pinoy.

Sa pahayag ng Archdiocese, mananatiling tagapagtaguyod ng karapatan ng mamamayan lalo na sa mga kabataan ang mga lingkod ng Simbahan dahil ito ay kawan na ipinagkatiwala ng Diyos sa kanilang pangangalaga.

Inihayag ng Archdiocese of Philadelphia na noong ika-16 ng Marso 2018 nang makatanggap ng abiso ang
Archdiocese mula sa Philadelphia Police Department hinggil sa reklamong pang-aabuso ni Rev. Fr. Armand Garcia sa isang menor de edad na babae na naglilingkod sa Saint Martin of Tours Parish.

Si Fr. Garcia ay nahaharap sa kasong rape, recording of a sex act, at corruption of minor pero kaagad ring nakalaya makaraan siyang piyansahan ng ilang mga kaanak para mailayo sa kahihiyan ang nasabing alagad ng simbahan

Ipinag-utos naman agad ni Philadelphia Archbishop Charles J. Chaput, O.F.M. Cap ang pag-alis kay Fr. Garcia sa serbisyo habang isinasagawa ang imbestigasyon sa kasong kinakaharap.

Kasabay nang ipinataw na administrative leave, hindi pinahihintulutan ng Archdiocese ang pari na makapagsagawa ng mga sakramento at hindi rin ito maaaring magpakilalang Pari sa publiko.

Ang kaparusahan ay agad na ipinaalam sa buong Archdiocese ng Philadelphia partikular sa Saint Martin of Tours Parish at Immaculate Heart of Mary Parish, ang huling dalawang parokya na pinaglingkuran ng Pari.

“Father Garcia was immediately placed on administrative leave and had his priestly faculties restricted by Archbishop Chaput following the notification from law enforcement. He was also removed from his residence at Saint Martin of Tours Parish in Philadelphia, where he had been assigned. During the course of his administrative leave, Father Garcia was not permitted to exercise public ministry, administer any of the Sacraments, or present himself publicly as a priest. The circumstances surrounding Father Garcia’s administrative leave were communicated to parishioners at that time,” pahayag ng Archdiocese ng Philadelphia.

Tiniyak din ng Archdiocese na kaisa ito sa kampanya ng Simbahan na labanan ang pang-aabusong kinasangkutan ng mga pari at obispo batay na rin sa panawagan ni Pope Francis sa katatapos na sex abuse summit sa Vatican.

Kamakailan lang ay binatikos din ni Pope Francis ang kanilang hanay dahil sa patuloy ng pagtaas ng bilang ng mga pari at obispo na nasasangkot sa mga kalokohan kabilang na ang sexual abuses.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment