Nagpakilalang alyas ‘Bikoy,’ kilalang manloloko, mangagantso, at may kasong large scale estafa

Nagpakilalang alyas ‘Bikoy,’ kilalang manloloko, mangagantso, at may kasong large scale estafa

Lumantad sa tanggapan ng Integrated Bar of the Philippines – National Center for Legal Aid (IBP-NCLA) si Peter Joemel Advincula para aminin sa publiko na siya umano si alyas ‘Bikoy’, ang misteryosong lalaki na nagsasalita sa “Ang Totoong Narcolist” video.

Sa kanyang pagharap sa publiko, sinabi ni Advincula na kasama sa sindikato ng iligal na droga sina Paolo Duterte, dating SAP Bong Go, Tesoro Go, presidential son in-law na si Maneses Carpio at ang Quadrangle Group na umano’y nakabase sa Bicol region.

Ayon kay Advincula, humarap daw siya sa publiko dahil sa banta sa kanyang buhay at sa tawag ng konsensiya.

Sa paglantad ni alyas ‘Bikoy’, naungkat ng ilang netizens ang artikulo na nagsasabing estapador si Advincula at naging most wanted din sa Naga City.

Noong 2012, nakulong si Advincula sa kasong estafa ng dating kompanyang pinagtatrabahuhan pero nakalaya rin noong 2016 at nakahanap ng bagong trabaho.

“Advincula admitted that aside from his theft case in Sorsogon, he is also facing charges of illegal recruitment and large scale estafa in Naga City and Albay,” sabi sa isang ulat tungkol kay Advincula.

Ilang netizens ang naglabas ng pahayag laban kay Advincula dahil nabiktima umano sila ng panloloko nito.

Diskumpiyado naman ang ilang pro-Duterte supporters at mga bloggers tulad ni Thinking Pinoy sa tunay na katauhan ni Advincula.

WATCH: IS HE THE REAL BIKOY?