in

Erwin Tulfo, muling humingi ng ‘public apology’ matapos ang pagpuna kay si DSWD Sec. Rolando Bautista

Muling humingi ng public apology ang radio broadcaster na si Erwin Tulfo kay Department of Social Welfare Administration (DSWD) Sec. Rolando Bautista.

“Ako po at ang buong pamilyang Tulfo ay buong pakumbabang himihingi ng kapatawaran kay DSWD Secretary Rolando Bautista sa pagmumura at pambabastos ko sa kanya on air,” sabi ni Tulfo.

Ito ay matapos siyang tanggalan ng security escort at ang mga kapatid kasunod ng pagpuna sa kalihim.

Ayon kay Tulfo, una na siyang humingi ng paumanhin sa kanyang programa sa radyo ngunit mukhang hindi ito sapat at hindi tinanggap ni Bautista at kanyang mga kasamahan sa Philippine Military Academy (PMA).

Aminado na si Tulfo sa kanyang naging pagkakamali at handa aniya siyang mag–tone down at baguhin ang kanyang istilo bilang isang mamamahayag.

“I think I have to tone it down, I have to change my style kahit na sinasabi na it is kind of a Tulfo-brand of journalism. I think we have to change that. My brothers agree with me, Mon, Raffy, Ben, we really have to tone down because times have changed,” saad ni Tulfo.

Iginiit ni Tulfo na nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa parehong partido kaya umabot sa kontrobersiya.

“Nagkaroon po ng miscommunication ho. Mali lang ho kasi. Hindi ko muna ho inalam nang mabuti kung anong ginagawa nung mabuting Heneral (Bautista),” saad ni Tulfo.

Unang umugong social media ang pagpalag ng mga dating kasamahan ni Bautista sa PMA sa hindi magandang pananalita ni Tulfo at iginiit ng mga ito na dapat humingi ng paumanhin ang radio broadcaster sa kanyang naging asal.

ERWIN TULFO, AMINADONG SIYA’Y NAGKAMALI MATAPOS BATIKUSIN SA RADYO SI DSWD SEC. ROLANDO BAUTISTA