fbpx

Pinay OFW sa Saudi Arabia, kumakain ng tirang pagkain galing sa basurahan dahil hindi pinakakain ng amo



Kalunos-lunos ang kalagayan ng isang Pinay OFW sa Saudi Arabia na napilitang kumain ng tirang pagkain galing sa basurahan.

Ayon sa ibinahaging Facebook video ni Leona Garcia Artiaga, hindi umano iniiwanan at binibigyan ng pagkain ang OFW ng kanyang amo at anim na araw nang kumakalam ang sikmura.

Makikita sa video ang OFW na si Gina Abcede at kung paano niya nagawang kumain ng tira-tirang pagkain mula na sa basurahan.

Halos masuka-suka si Abcede pero pinakikita parin niya na galing mismo sa basurahan ang kanyang kinakain para maibsan lamang ang gutom.

Sa caption ni Artiaga sa kanyang post, mabuting tao raw ang OFW na si Abcede at di raw nararapat ang ganitong pagtrato sa kanya ng kanyang amo.

READ:  21-anyos na babae, nabulag ang isang mata matapos maglaro ng mobile game buong araw

Humihingi ng tulong si Leona sa social media para kay Abcede dahil baka tumagal pa ang kanyang paghihirap sa kamay ng amo.

Ayon sa update ni Leona, may nag-interview na kay Gina mula sa isang programa sa radyo at naghihintay na lamang ito ng agarang aksyon upang makauwi na sa Pilipinas.


Like it? Share with your friends!

Leave a Comment