in

Kiko Pangilinan, nagbitiw bilang Liberal Party president dahil natalo ang Otso Diretso

Nakatakdang bumaba bilang presidente ng Liberal Party (LP) si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan matapos ang kinalabasan ng 2019 midterm elections.

Sa kanyang resignation letter na ibinigay kay Vice President Leni Robredo, sinabi ni Pangilinan na ginawa niya ito bilang pag-ako ng pagkakatalo ng Otso Diretso sa senatorial race at iginiit na may pananagutan siya bilang campaign manager ng oposisyon.

“As campaign manager for the Otso Diretso slate, I was unable to ensure our victory in the elections & I assume full responsibility for the outcome and hold myself primarily accountable for this defeat & have tendered my resignation as president of the LP effective June 30, 2019,” ani Pangilinan.

Batay sa nagpapatuloy na canvassing ng Commission on Elections (Comelec), tiyak na pasok na sa Senado ang apat na ka-partido ni Pangulong Rodrigo Duterte na sina: Bong Go, Ronald Dela Rosa, Francis Tolentino at Koko Pimentel.

Lusot din ang anim na inidorso ng administrasyon na sina: Pia Cayetano, Sonny Angara, Lito Lapid, Imee Marcos, Cynthia Villar, at Bong Revilla; maging ang dalawang re-electionist na sina Grace Poe at Nancy Binay na parte ng kasalukuyang majority block ng mataas na kapulungan.

Dahil dito, inaasahang 20 senador na ang bubuo sa mayorya pagpasok ng 18th Congress.

Habang matitira sa minority block si Pangilinan kasama sina Sen. Franklin Drilon, Sen. Leila De Lima at Sen. Risa Hontiveros.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment