Reynaldo Parojinog Jr. hinatulan ng habang buhay na pagkakakulong dahil sa iligal na droga

Reynaldo Parojinog Jr. hinatulan ng habang buhay na pagkakakulong dahil sa iligal na droga

Napatunayang guilty ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 79 si Reynaldo Parojinog Jr. dahil sa illegal possession of drugs.

Si Parojinog Jr. ay anak ni dating Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog na nasawi sa operasyon kontra iligal na droga sa kanilang tahanan.

Sa desisyon ng Quezon City RTC Branch 79, reclusion perpetua o habang buhay na pagkakakulong ang hatol kay Parojinog Jr. matapos mapatunayang lumabag ito sa Section 11, Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Maliban sa panghabambuhay na pagkakakulong, papatawan ng P500,000 hanggang P10,000,000 multa si Parojinog Jr.

Si Parojinog Jr. ay isa sa mga nadakip sa operasyon ng pulisya na ikinasawi rin ng kanilang ina na si Susan.

Kasama niyang naaresto at nakulong ang kapatid na si Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez sa parehong operasyon.

Matatandaan na Nobyembre 2018 nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na “uubusin” niya ang mga Parojinog.

PANOORIN: REYNALDO PAROJINOG JR. HINATULANG GUILTY SA KASONG ILLEGAL POSSESSION OF PROHIBITED DRUGS