in

Chokoleit, may premonisyon bago pumanaw: Ako ang mauuna, kung ako ang huli hindi ko na kayo aabutan

Pumanaw na ang komedyanteng si Chokoleit o Jonathan Aguilar Garcia sa tunay na buhay sa edad na 46.

Nagawa pang mag-perform ni Chokoleit sa isang event sa Abra nang makaranas ito ng paninikip ng dibdib na nagdulot ng kanyang pagkahirap sa paghinga na kapansin-pansin na rin habang ito’y nagtatanghal sa entablado.

Hirap na raw magsalita si Chokoleit at hinahabol ang hininga habang nagpe-perform ayon kay Carl Guevarra, miyembro ng grupong The Juans na nakasama ang komedyante sa nasabing event.

“Unbelievable. Chokoleit performed right after our set and we witnessed how he struggled through the entire performance. The ambulance rushed him to the hospital in Vigan but now we were informed he didnt make it and passed away. We are all in shock. Prayers to all his loved ones. RIP,” aniya sa kanyang Facebook post.

Nag-post din si Guevarra ng isang video na may caption na “Chokoleit’s last words are chilling. Still can’t believe how life just passes by. Hope this helps us appreciate life and our loved ones. RIP” kung saan mapapanood ang stand-up performance ni Chokoleit na aniya’y parang pagpaparamdan ng komedyante sa kanyang pagpanaw.

“Mas masarap palang ang performer nakakarinig agad ng masigabong palakpakan para ganahan ang performer! Ganun! Ganyan! Totoo ‘yan, malaking bagay ang palakpak. Nakakaganang magtrabaho pag may palakpak,” simulang sabi ni Chokoleit.

Kitang-kita sa video na hindi na maganda ang pakiramdam ni Chokokeit habang nagsasalita pero itinuloy pa rin niya ang kanyang segment.

“Subukan n’yo ring gawin ‘yan sa mga kasamahan ninyo sa trabaho. Pag dumarating, palakpakan niyo rin. Para magtulungan kayong makauwi nang maaga,” aniya pa sabay tingin sa bandang likuran ng audience. “May mga tao pala dun sa malayo.”

Dito makikita na tila kinakapos na siya ng hininga, pero tuloy pa rin siya sa kanyang pagpapatawa, “Maganda ba ako sa malayo? Lipat kayo du’n,” sabi pa ng komedyante.

“Akala n’yo! Mali ang hula niyo, ‘no? Ang ganda ng introduction—isa sa may pinakamagandang mukha. Akala, nagkamali kayong lahat. Siyempre, ako ang mauuna! Kasi kung ako huli, baka hindi ko na kayo abutan! So, ako nga pala si Chokoleit…” pagpapatuloy ni Chokoleit.

Tuwang-tuwa si Chokoleit dahil nakikita niya na enjoy na enjoy ang mga tao sa kanya, lalo na nang isa-isahin niya kung paano siya tinatawag ng mga tao sa iba’t ibang lugar.

Naisugod pa si Chokoleit sa ospital ngunit binawian din agad ng buhay.

WATCH: CHOKOLEIT’S LAST WORDS A PREMONITION

WATCH: CHOKOLEIT’S FULL PERFORMANCE SHORTLY BEFORE HIS DEATH

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment