fbpx
≡ Menu

Antonio Trillanes, hindi tinanggap ang alok na trabaho ni Nancy Binay na umano’y may free parking at burial

Antonio Trillanes, hindi tinanggap ang alok na trabaho ni Nancy Binay na umano’y may free parking at burial

Hindi tinanggap ni outgoing Sen. Antonio Trillanes IV ang alok ni Sen. Nancy Binay na pwede itong magturo sa University of Makati kapag tapos na ang kanyang termino bilang senador.

Ayon kay Trillanes, kahit sinsero ang alok ni Binay, pakiramdam niya’y hindi pa nakakalimutan sa Makati ang ginawa niyang pag-iimbestiga sa mga umano’y anomalya sa mga proyekto ng lungsod ni dating Vice President Jejomar Binay.

“It was a sincere offer kung gusto ko raw magturo sa University of Makati. I was very appreciative of that offer and she was really nice about it. ‘Yun lang, kasi siyempre baka malalim pa ‘yung sugat doon. I respectfully decline,” saad ni Trillanes.

Mababatid na ibinahagi ni Sen. Panfilo Lacson sa kaniyang tweet na alok ni Binay kay Trillanes nay umano’y mayroong free admission sa Ospital ng Makati, 24-hours free parking at maging burial sa Makati cemetery.

Sa mga nakaraang mga panayam sa media, sinabi ni Trillanes na baka ituloy niya pa rin ang pagtuturo sa pagtatapos ng kanyang termino sa Hunyo 30.

“I really plan to teach. But I will remain a very vocal and active member of the opposition so hindi po ako mawawala,” aniya.