fbpx

Lolo na lay minister ng Quiapo Church at nang-molestiya ng bata sa Mang Inasal, hinahanap na ng pulisya



Hinahanap na ngayon ng pulisya ang isang 69-anyos na lay minister sa Quiapo Church na nakunan ng video habang minomolestiya ang isang batang babae.

Makikita sa video na nasa isang fast food chain na Mang Inasal nang gawin ang kahalayan.

Hawak na ng pulisya ang orihinal na kopya ng video kung saan makikita ang ginawang pangaabuso sa menor de edad na babae.

Kinilala ang suspek na si Victorino Abot Jongco, 69-anyos, na isang lay minister ng Quiapo Church.

Natunton ng pulisya nitong Biyernes, Marso 5, ang 12-anyos na babe na nakilala ng ilang mga tauhan ng Quiapo Church.

Nagbigay na ng pahayag ang bata sa pulisya, kasama ang kanyang lola.

Ayon sa batang biktima, hindi raw bababa sa tatlong beses nangyari ang panghahalay na ginawa ng lay minister.

“Iniwan kasi siya ng lola niya sa simbahan tapos maglalaba, so naging familiar na sa kanya ang mga tao sa simbahan,” paliwanag ni Manila Police District (MPD) Quiapo station commander Police Major Melvin Florida.

READ:  20 miyembro ng NPA sa Eastern Samar, nalibing ng buhay dahil sa magnitude 6.5 na lindol

Like it? Share with your friends!

Leave a Comment