5-anyos na batang babae, pinagsasaksak ng screwdriver at isinilid sa sako; suspek, arestado

5-anyos na batang babae, pinagsasaksak ng screwdriver at isinilid sa sako; suspek, arestado

Naaresto ng pulisya ang isang lalaki sa Santa Cruz, Laguna matapos nitong patayin sa saksak at isako ang isang 5-anyos na batang babae.

Natagpuan ang nakasakong bangkay ng biktima sa loob ng bahay ng 30-anyos na suspek, ayon sa report ng pulisya.

Dumulog sa pulisya ang mga kaanak ng suspek matapos mahanap sa sako ang bangkay ng biktima.

Binigyan umano ng suspek ng mais con yelo ang biktima at isinama sa loob ng kaniyang bahay, kung saan niya ito pinagsasaksak ng screwdriver.

Ang biktima ay anak ng kasambahay ng kapitbahay ng suspek.

Inamin naman ng suspek ang krimen at sinabing hindi niya alam ang kaniyang ginawa dahil lulong siya sa ilegal na droga.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong murder habang isasailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima.