in

Antonio Trillanes, inudyok ang mga miyembro at lider ng KAPA na ipa-impeach si Pangulong Duterte

Hinikayat ni outgoing Sen. Antonio Trillanes IV ang mga lider at miyembro ng Kapa Community Ministry International o KAPA, na sampahan ng kasong impeachment si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ipag-utos ang pagpapasara ng kanilang mga tanggapan at dahil umano sa paglabag sa kanilang freedom of religion.

Isa ito sa mga rekumendasyon ni Trillanes kaugnay sa kontrobersya na kinasasangkutan ng KAPA.

“Para sa mga lider at miyembro ng Kapa, magfile ng kasong impeachment laban kay Duterte for culpable violation of the Constitution dahil sa pagbalewala nito sa kanilang religious freedom,” saad ni Trillanes sa press statement.

Dagdag pa ni Trillanes, kung totoong nakarehistro ang KAPA sa Securities and Exchange Commission (SEC) bilang religious organization, walang umanong karapatan ang gobyerno na pigilan ito.

“Karapatan ng isang miyembro na i-donate kahit lahat ng kanyang pera sa kanyang simbahan. Kahit wala itong resibo at hindi ito pwede buwisan. Kahit pa na mukha ngang Ponzi scheme ang pamamalakad ng Kapa, basta maliwanag sa mga myembro nito na kung sakaling hindi bumalik ang kanilang pera, hindi sila pwedeng magreklamo dahil nga, simula’t sapul ito ay kanilang ‘donation’ sa kanilang simbahan,” ani Trillanes.

Kung walang private complainants, hindi rin daw pwedeng maghain ng kasong syndicated estafa laban sa mga lider ng KAPA.

Giit ni Trillanes na karapatan ng isang miyembro na i-donate ang pera nito sa kanilang simbahan kahit walang resibo at hindi ito pwedeng buwisan.

At kahit mukhang Ponzi scheme ang pamamalakad ng KAPA ay hindi sila pwedeng magreklamo kapag walang bumalik sa kanilang pera dahil malinaw naman na ‘donation’ nila ang pera sa organisasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0