in

Mugshot ng suspek sa pag-upload ng ‘Bikoy’ videos na si Rodel Jayme, inilabas na sa publiko

Inilabas na sa publiko ang mugshot ng nahuling suspek na uploader ng ‘Ang Totoong Narco List’ propaganda videos ni alyas Bikoy.

Sa press conference sa Department of Justice (DOJ), sinabi na si Rodel Jayme ang administrator ng metrobalita.net kung saan nanggaling ang mga video.

Nag-isyu ang Makati Regional Trial Court ng search warrant kontra kay Jayme.

Saad ni Justice Secretary Menardo Guevarra, kasong inciting to sedition ang kakaharapin ni Jayme, ngunit hindi pa pinabatid kung si Jayme ba si alyas ‘Bikoy’ habang gumugulong pa ang imbestigasyon.

Dineklarang ‘person of interest’ si Jayme ng National Bureau of Investigation (NBI) sa video ni Bikoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0