in

2-anyos na anak, pinapahirapan ng ama sa tuwing hindi makakabigay ng pera ang inang OFW

Isang inang OFW ang labis na nasasaktan at nanawagan ngayon ng tulong sa Facebook dahil nangyayari sa kanyang 2-anyos na anak.

Napag-alaman na binubunton ng ama ang galit sa anak sa tuwing hindi makapagbigay ng pera ang ina.

Sa mga litratong ibinahagi ni Bestudio Weng ng kanyang anak sa Facebook, makikita ang iba’t-ibang pamamaraan ng ama ng pagpapahirap sa kanyang anak.

Makikita na ipinatong ang 2-anyos sa bangko at tinalian ang leeg. Mayroon ding litrato na tinatakot ang bata ng kutsilyo.

Sa isang tugon ni Weng sa mga nag-comment sa litratong ibinahagi niya, sinabi niyang nakikita niyang tulog ang bata ngunit ito’y sinipa-sipa at sinasakal ng ama.

Hindi pa makakauwi sa Pilipinas sa Weng kaya ito sa mga kamag-anak na sa kanila na lang muna ang anak niya.

Ngunit wala umanong nais umaruga sa kanyang anak dahil natatakot daw sila.

Dahil dito, kaya napilitan si Weng na manawagan sa Facebook, at makarating ang sitwasyon ng anak kay Raffy Tulfo upang matulungan ang bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0