in

General Luna, Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.5 na lindol; sinabayan ng magkakasunod na malakas na pagyanig

Ilang araw pa lang matapos ang nangyaring magnitude 6.1 na lindol sa Luzon at 6.5 magnitude na lindol sa Eastern Samar, muli na namang niyugyog ang ilang bahagi ng bansa ngayong hapon.

Magkakasunod na malalakas na pagyanig ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa General Luna, Surigao del Norte sa loob lamang ng wala pang isang oras.

Unang naitala ang magnitude 5.5 na lindol ala 1:26 ng hapon, ngayong Biyernes, April 26.

May lalim na 11 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Naitala ang naman “instrumental intensities” sa Surigao City (Intensity I) at Gingoog City (Intensity II) bunsod ng nasabing lindol.

Sinundan ito ng magnitude 5.0 na lindol ala 2:04 ng hapon at sa General Luna din ang epicenter.

Ayon sa PHIVOLCS maari pang makaranas ng magkakasunod na aftershocks dulot ng naunang magntiude 5.5 na naitalang lindol.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0