in

Libing at kasal, pinag-isa ng groom matapos mamatay sa isang vehicular accident ang bride

Isang nakakalungkot na pangyayari ang pumalit sa sana’y masayang araw ng pag-iibigan ng mag-nobyong Brian at Danica.

Ikakasal na sana ang dalawa sa pinakahihintay na araw ngunit tinapos ito nang maaksidente si Danica, 23-anyos.

Nabangga kasi ang sinasakyang kotse ni Danica sa isang nakaparadang truck na minamaneho ng kanyang ama sa Barangay Pasil, Santander noong March 25.

Napag-alaman na 4na buwang buntis si Danica at kagagaling lang nito sa check-up nang maganap ang aksidente.

Handa na sana ang lahat para sa kanilang pag-iisang dibdib at mismong si Danica pa ang gumawa ng kanilang mga giveaways.

Sa kabila nito, ninais pa rin ni Brian na ituloy ang kanilang kasal kung kaya humingi siya ng pahintulot sa simbahan.

Bagamat pumayag ang simbahan na maglagay ng dekorasyon na parang sa isang kasal, hindi pa rin ito maituturing na kasal dahil ang seremonya ay para lang daw sa mga buhay.

Kaya naman sa araw ng libing ni Danica, nagawang lumakad ni Brian na naka-military uniform na tila sila ikakasal.

Ginanap ang misa para kay Danica sa kanyang libing at nagawa pang halikan ni Brian sa huling pagkakataon ang pinakamamahal.

BASAHIN ANG BUONG POST MULA KAY GODDËSS MINERVA:

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment