in

Natakot kay Duterte? Canada, nakikipagtulungan sa Pilipinas kaugnay sa kanilang basura

Tiniyak ng Canada na sila ay nakikipagtulungan na sa gobyerno ng Pilipinas para maresolba ang isyu ng basura na inireklamo ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes.

Saad ng Canadian embassy, batid ng kanilang bansa ang court order para maipabalik sa kanilang lugar ang 50 garbage containers na itinapon nila sa Pilipinas noong 2013 at 2014.

“Canada is strongly committed to collaborating with the government of the Philippines to resolve this issue and is aware of the court decision ordering the importer to ship the material back to Canada,” ayon sa statement ng Canadian embassy.

“A joint technical working group, consisting of officials from both countries, is examining the full spectrum of issues related to the removal of the waste with a view to a timely resolution,” dagdag nito.

Matatandaan na sinabi ng Pangulo na kung sakaling hindi kunin ng Canada ang kanilang basura sa Pilipinas ay siya umano mismo ang pupunta sa kanila sakay ng barko at ibubuhos sa kanila ang mga basura.

“I want a boat prepared. I’ll give a warning to Canada maybe next week that they better pull that thing out, or I will set sail for Canada and dump their garbage back there,” banta ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na magdedeklara siya ng giyera kontra Canada dahil sa nasabing basura.

“Let’s fight Canada. I will declare war against them,” sabi ng Pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0