in

Higit 50,000 motorcycle riders nakiisa sa nationwide unity ride protest kontra Doble Plaka Law

Libu-libong motorcycle rider ang nagsagawa ng nationwide protest laban sa implementasyon ng Motorcycle Crime Prevention Act o Republic Act 11235 at mas kilala sa tawag na Doble Plaka Law.

Ayon sa impormasyong mula sa Quezon City Police, tinatayang nasa 50,000 riders ang nakiisa sa protestang tinawag na “Unity Ride” na kumain ng tatlong northbound lanes sa bahagi ng EDSA-White Plains.

Nagsimula ang naturang protesta sa Pasay at umabot ito sa Quezon City. Nakiisa ang mga riders mula sa Laguna, Batangas, at Quezon at nagsagawa ng kanilang protesta sa Tiaong, Quezon.

Nagtipun-tipon din ang mga rider sa Cebu at Zamboanga upang kondenahin ang naturang polisiya sa kani-kanilang lungsod.

Matatandaang noong Marso 8, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagsusulong na mapigilan ang mga motorcycle riding criminals sa pagtakas matapos makagawa ng krimen.

Ang naturang batas ay nangangailangan sa mga rider na magkaroon ng mas malaking plaka na madaling mabasa mula sa harap, likod at gilid ng motorsiklo sa distansya na hindi bababa sa 15 metro mula sa motorsiklo.

Ito ay upang madali umanong makilala ang registration ng motorsiklo upang mahuli agad ang sino mang motorcycle riding criminal.

Iniutos din ng Land Transportation Office (LTO) na magkaroon ng color scheme para sa mga readable plate numbers kada rehiyon upang madaling malaman kung saan ito nagmula.

Agad namang tinabla ng mga rider ang naturang batas na ayon sa kanila ay “discriminatory”.

“We are riders, not criminals,” nakasaad sa mga placard ng mga rider.

Ayon kay Motorist Motorcycle Rights Organization Chairperson Jobert Bolanos, nakababahala ang panukala na palakihin ang mga plaka dahil maaari umano itong makaapekto sa safety ng rider.

“If we place plates that are too big and will be affected by wind, there’s no assurance that the mounting points will hold these plates in place. When there’s wind resistance there’s bound to be failure. When there’s failure, there’s risk, and when there’s risk may masasaktan at pwedeng makamatay (someone could get hurt and die),” saad ni Bolanos.

Noong nakaraang linggo ay nilinaw ng LTO na hindi pa umano final ang disenyo ng license plates.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment