in

16-anyos na babae, natagpuang basag ang bungo at walang saplot sa loob ng sako sa Sarangani

Isang 16-anyos na dalagitang babae ang natagpuang patay sa damuhang bahagi ng Brgy. Batian, Maitum, Sarangani Province.

Natagpuan itong nakasilid sa sako, basag ang bungo, at walang saplot.

Ayon kay Police Major Rodel Javison, hepe ng Maitum Municipal Police, hinihinalang biktima ng panghahalay ang dalagitang babae at naireport na sa awtoridad na nawawala.

Sa inisyal na imbestigasyon, basag ang bungo ng biktima na posibleng hinampas ng matigas ng bagay at natagpuan na tinabunan ng mga tuyong dahon.

Pinili umanong maglakad mag-isa ng biktima pauwi matapos na sumakay ng motorsiklo ang kanyang tiyahin at tiyuhin na kanyang kasama mula sa isang barangay.

Ayon sa pulisya, may person of interest na sila sa pagpatay sa dalagita at naniniwala silang hindi nag-iisa ang responsable sa krimen.

Labis na nagdadalamhati ang pamilya ng biktima at nananawagan ang mga ito na mabigyan agad ng hustisya ang pagkamatay ng dalagita.

Ang insidente ay naganap ilang araw lamang mula nang matagpuan ang bangkay ni Christine Silawan, 16-anyos na babae sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0