fbpx
≡ Menu

COMELEC James Jimenez, tinawag na “OA” ang umano’y “fake news” ukol sa overseas absentee voting

COMELEC James Jimenez, tinawag na “OA” ang umano’y “fake news” ukol sa overseas absentee voting

Binabantayan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang posibleng paglaganap umano ng “fake news” kasabay ng pagsisimula ng overseas absentee voting (OAV).

Ayon kay COMELEC spokesperson James Jimenez, mahipit silang naka-monitor sa mga taong nagpaplanong sirain o guluhin ang overseas absentee voting sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga pekeng impormasyon sa social media.

Aniya, nito lamang Sabado, Abril 13, sa pagsisimula ng overseas absentee voting meron na agad lumabas na umano’y “fake news” matapos na magkaroon ng maliit na aberya mga voting machines sa Hong Kong.

“Yung mga ganyang rushing to conclusions, yung mga paglalagay ng masamang kulay sa mga kaganapan, yan yung mga namo-monitor natin ngayon,” ani Jimenez.

“Again, ang fake news ang OA, hindi yung botante. Yung mga botante may mga lehitimong complaints. ‘Yan ay natutugunan natin,” dagdag nito.

Hinikayat naman ni Jimenez ang publiko na agad ipagbigay-alam sa kanila ang anumang impormasyon o balita kaugnay sa nagaganap halalan para matukoy ang katotohanan sa mga ito.

“Noong first day nagkaroon ng konting aberya sa Hong Kong lumabas kaagad ang balita na may pandarayang nagaganap sa halalan, kahapon na-monitor namin na may naglalabas na ng resulta, lamang na raw si ganitong kandidato kaya magbantay daw kasi magkakaroon ng dayaan, inuulit namin at nilalabas din natin sa social media na kapag ang isang botante ay bumoto sa OAV o overseas voting ay hindi niya malalaman ang resulta hanggang hindi dumarating ang May 13, dahil ang mga botong ‘yan ay hindi binibilang hanggang May 13.” pahayag ni Jimenez.