in

Otso Diretso Florin Hilbay, ginagamit si Agot Isidro para pagtakpan ang kabadingan ayon kay Pangulong Duterte

May patama si Pangulong Rodrigo Duterte laban kay dating solicitor general at Otso Diretso senatorial candidate Florin Hilbay sa pagkwestiyon ng sekswalidad nito.

Ayon sa talumpati ng Pangulo sa Tuguegarao City, diumano’y naging magkarelasyon sina Hilbay at Agot Isidro dahil lang kritiko silang pareho ng administrasyon at palagi silang magkasama.

“Florin Hilbay is a lawyer. But he’s gay. His girlfriend is Igot Isidro. They’re always together. Agot rather, not Igot. Do you think he’s gay? I don’t have a problem with gays, but this particular gay is a bully. They always criticize me, Hilbay and Agot, until they ended up being couple,” saad ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na nagkamali sa paggawa ang Diyos kay Hilbay na aniya ay nagkukunwaring lalaki at nagkukunwari lang umanong kasintahan si Agot.

“He acts like a man and pretends that Agot is his girlfriend. Be true to yourself. You’re gay. Don’t hide behind a cover. You were made by God. God made a mistake. Just because he’s a God does not mean he is incapable of making mistakes,” aniya pa.

Matatandaan na matagal nang nagpapahiwatig ang Pangulo na kanya umanong ‘naaamoy’ sina Hilbay at kapartidong si Chel Diokno ukol sa kanilang sekswalidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0