ANO NA ANG PLANO? Anne Curtis, bumanat sa gobyerno dahil sa hindi mapigilang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa

Nag-tweet ng kanyang saloobin si Anne Curtis dahil sa hindi mapigilang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa, partikular sa NCR at mga karatig probinsiya.

Nang mag-hit ng 15,310 sa mismong Good Friday, nagtatanong na rin ito kung ano ang plano ng gobyerno sa palalang numero ng mga nagpa-positive ngayon sa virus.

Ayon kay Anne, “This is quite alarming. Specially knowing that not everyone can/has gotten tested. So what is the plan? What are the next steps? I would like to think that everyone understands we have to take the necessary precautions to stay safe but it would be nice to be given more light on what is to happen while waiting for vaccines to arrive. So with what hope we have left we can work together as a nation.”

Dahil dito, agad na binanatan ng radio host at blogger na si Mark Lopez ang walang kakwenta-kwentang post ni Anne.

“No wonder cases are up and surging. If an influencer like Anne Curtis is not aware of the measures and protocols that were put in place by the government, then the virus transmission will surely go on,” ani Lopez.

“Seriously Anne, you don’t know the plan? Or is this another agitation propaganda that you are allowing yourself to be used? What’s the plan daw. Matagal na na announce ang plan. At ang hinihingi sa inyo ay kooperasyon at sumunod kayo sa mga patakaran,” resbak pa ni Lopez.