in

Cynthia Villar, may payo kay Leni Robredo: Make sure that you can follow your President or else you’re in a mess

Sa isang panayam, nagbigay ng opinyon si Sen. Cynthia Villar tungkol sa kung ano ang dapat gawin ng isang Vice President.

Ayon kay Villar, dapat ay marunong sumunod sa adhikain ng President ang isang Vice President at kung hindi, ito raw ay mauuwi sa gulo.

“Maski na iyun, pareho din yun (with running for President), mahirap pa yung Vice President you make sure that you can follow your President or else you’re in a mess,” sabi ni Villar .

Para kay Villar, kung hindi daw kayang sumunod ng Vice President sa kanyang President ay dapat tumahimik na lang ito.

May pag-aaral kasi na nagsasabi na kapag ang isang Vice President ay hayagang kumokontra sa Presidente ay nagiging unpopular ito sa publiko.

“Ako kasi kung ako ang Vice President if I cannot follow my President I’ll just keep quiet. You know there’s a study na pag ikaw ay Vice President palagi mong inaaway ang President nagiging unpopular ka,” dagdag pa ni Villar.

Mababatid na naghain si Vice President Leni Robredo kay President Rodrigo Duterte ng kanyang resignation bilang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment