7.8 na magnitude na lindol, tumama sa Kuril Islands sa Russia

7.8 na magnitude na lindol, tumama sa Kuril Islands sa Russia

Niyanig ng magnitude 7.8 na lindol ang Kuris Islands sa Russia.

Ayon sa datos ng US Geological Survey, tumama ang lindol alas 10:49 ng umaga ng Miyerkules (March 25) oras sa Pilipinas.

Ang epicenter ng lindol ay naitala sa 219 kilometers southeast ng Severo-Kurilsk.

“This earthquake has the potential to generate a destructive tsunami in the source region,” ayon sa US National Tsunami Warning Center.

Nagtaas naman ng Tsunami Watch sa Hawaii dahil sa nasabing lindol.