in

Jim Paredes, inako ang viral sex video; sinisi ang pulitika sa paglabas nito sa social media

Inamin na ni Jim Paredes na totoo ang alegasyon na mayroon siyang sex video. Ito ay matapos niyang sabihin na peke ang kumakalat na video sa social media.

Sa statement ni Paredes sa kanyang website, sinabi nito na mahirap sa kanya ang pagsulat ukol sa sex video at masakit naman ito para sa mga makakabasa.

“This is very difficult for me to write, and for many of you, it will be painful to read,” ani Paredes.

Ayon kay Paredes, totoo ang video pero ito aniya ay pang pribado lamang at hindi para sa publiko.

Hindi umano alam ni Paredes kung paano kumalat ang video pero nagpahiwatig ito na posibleng may halong pulitika ang paglabas nito sa social media.

“The video was real. It was private, and not meant for public consumption. I do not know how it became public. I can only surmise that in this ugly season of toxic politics, muckrakers determined to neutralize my influence by violating my privacy and digging up dirt on me are at work,” ani Paredes.

Nang makita umano ni Paredes ang video sa social media ay hindi niya alam kung paano ito sasagutin pero matapos mag-isip at magdasal ay nagdesisyon itong aminin ang video.

“When I saw it on social media, I was in a quandary how to respond. But after mulling and praying over it, I decided to come clean. There are already too many lies and liars in this world. I do not wish to be a part of that cabal. I have chosen to be truthful because I know that painful as the truth can be, it will eventually set me free,” saad ni Paredes.

Sa huli ng kanyang pahayag ay humingi ito ng paumanhin sa kanyang pagiging iresponsable at sa mga nadismaya sa kanya dahil tao lang aniya siya na nagkakamali.

“I have never tried to project myself as perfect. Of all the sins in this world, I believe sex is the most human of all. I am not saying this to excuse what, I regret, was broadcast on social media. I have always expressed my feelings freely. Today, I wish to express my truth. I am a flawed person, a human being, much like everyone else. I made a mistake, I was irresponsible. And I am truly sorry,” ani Paredes.

“I know many of you have judged me and condemned me, and those who held me in high esteem are disappointed in me, to put it mildly. I apologize for my irresponsibility. But most especially, I stand in bottomless sorrow and contrition before my family who are reeling from the hurt and aggravation, and the embarrassment and shame, that should only be mine. I pray that they be spared any more wicked trolling by those who would revel in their pain,” dagdag ng Paredes.