in

Duterte ‘magic’ gumana sa mga administration candidates laban sa Otso Diretso ayon sa Malacañang

Hindi paman opisyal ang resulta ng bilangan sa katatapos na 2019 midterm elections, inangkin na ng Malacañang ang panalo ng mga kandidato ng administrasyong Duterte laban sa Otso Diretso ng oposisyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagagalak silang makita na mayorya sa mga administration candidates ay pasok sa ‘Magic 12’ ng ginaganap na canvassing ng mga boto.

Kahit gumamit aniya ng black propaganda ang oposisyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa pamilya nito, malinaw na hindi ito tumalab sa mga botante dahil namayagpag sa bilangan ang mga administration candidates habang kulelat naman ang Otso Diretso ng oposisyon.

“While the results of the elections are still unofficial, there appears to be an unstoppable trend towards a resounding victory of the administration’s favoured senatorial candidates. Undoubtedly, the Duterte magic spelled the difference. The overwhelming majority of the electorate have responded to the call of the President to support those whom he said would help pass laws supportive of his goal to uplift the masses of our people and give them comfortable lives they richly deserve,” ani Panelo.

Pinasalamatan ni Panelo ang Otso Diretso at ang kanilang mga taga-suporta dahil sa magandang laban na ipinakita mula sa panahon ng kampanya hanggang sa araw ng eleksyon.

“To the Otso Derecho candidates and their supporters, we thank you for giving your best shot and fighting a good battle. As we have said, we respect dissent as it vitalizes the democracy of our nation. In the end, however, it is the will of the people that prevails. While we expect dissent to continue, we hope that that same be demonstrated with fairness and within the bounds of the law, as well as with deference to the leaders duly chosen by the electorate,” saad ni Panelo.

Tiniyak ni Panelo na bagama’t mayorya ng mga senador sa pagbubukas ng panibagong kongreso ay mga kaalyado ni Pangulong Duterte, hindi aniya maaapektuhan ang prinsipyo ng check and balance sa gobyerno.

Pinasalamatan din ng Malacañang ang mga botante dahil naiparating nila sa pamamagitan ng kanilang mga boto ang kanilang kagustuhan para sa mga tao nilang nais na magsilbi sa kanila at sa bansa.

“We laud the Filipino electorate for expressing their will in the strongest and unequivocal manner. With the successful holding of the elections, we have demonstrated to the world that we have a great order for democracy that can rise above the loud political noise,” saad ni Panelo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0