BREAKING: Aktor na si Domingo Cobarrubias, pumanaw dahil sa pneumonia; COVID-19 test result, hinihintay pa

BREAKING: Aktor na si Domingo Cobarrubias, pumanaw dahil sa pneumonia; COVID-19 test result, hinihintay pa

Pumanaw sa edad na 68 ang aktor na si Domingo “Menggie” Cobarrubias.

Sa ulat, alas 8:20 ng umaga nang pumanaw si Cobarrubias sa Asian Hospital sa Alabang dahil kumplikasyon sa sakit na pneumonia.

Maliban sa kaniyang showbiz career ay nasa automotive industry din si Cobarrubias.

Base sa ulat ay nagpakuha rin ng test ang aktor para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) at hinihintay pa ang resulta nito.

Best supporting actor si Menggie sa Gawad Urian para sa pelikulang Jaguar (1979) na pinagbidahan ni Phillip Salvador at idinirek ni Lino Brocka.

Best actor siya sa QCinema international filmfest para sa Mauban: Ang Resiko (2014), sa direksiyon ni Lem Llorca.

Bida rin si Menggie sa Cinemalaya entry na Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon (2018), kasama sina Perla Bautista at Dante Rivera, sa direksiyon ni Carlo Enciso Catu.