P50/month na 5mbps fiber internet connection, handog ni Mayor Emeng Pasqual sa lahat ng bahay sa Gapan, Nueva Ecija

P50/month na 5mbps fiber internet connection, handog ni Mayor Emeng Pasqual sa lahat ng bahay sa Gapan, Nueva Ecija

Umani ng papuri sa social media ang mga programang ginagawa ngayon sa lungsod ng Gapan sa Nueva Ecija dahil sa magandang pamumuno ni Mayor Emerson “Emeng” Pascual.

Ilang netizens ang humanga kay Mayor Emeng at umaasa na magkaroon din sana sila ng ganiyang tipo ng pinuno sa kani-kanilang lugar.

Naikumpara pa nga si Mayor Emeng kay Pasig City Mayor Vico Sotto at Manila City Mayor na si Francisco “Isko Moreno” Domagoso, na parehong nagpakita ng kabutihan at kagalingan sa pamumuno sa kinakaharap na sitwasyon ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Naghahanda na ngayon ang lungsod ng Gapan sa “aftermath of the pandemic” – sa pagpapatupad ng “work-from-home” (WFH), pagsasagawa ng online teaching at e-learning systems, at ang iba pang pagbabago na kahaharapin sa pagdating ng “new normal.”

Ang “best thing” daw na inaasahan ngayon sa mga residente ng Gapan ay ang pagkakaroon ng “stable” na internet connection sa bawat kabahayan na may minimum speed na 5mbps ayon kay Mayor Emeng.

Pahayag ni Mayor Emeng, sa naturang proyekto ay tanging 50-piso lamang ang babayaran kada buwan ng mga magpapakabit ng internet, walang ding babayaran sa installation dahil sasagutin ito ng lokal na pamahalaan.

Ginagawa na raw ngayon ng Gapan City ang lahat upang masigurong makukuha nila ang lahat ng “resources” na kinakailangan nila “in order for the people living in the city to prosper.”

Dagdag pa rito, sinabi rin ni Mayor Emeng na may inilaan na raw na pondo ang pamahalaang lokal upang ma-install ang fiber optics maging sa mga lugar “that are not easily accessible.”

Kaugnay nito ay pinuri ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang inisyatibo ng pamahalaang lungsod ng Gapan na maglalatag ng internet connection sa nasasakupan bilang pamamaraan upang makapag-aral muli ang mga estudyante.

Hindi lahat ng pamilya ay may kakayahang makapagpakabit ng internet sa tahanan, makabili ng mga gadget na magagamit ng mga supling sa pag-aaral kung kaya’t magiging malaking tulong itong proyektong naisip ng pamahalaang lokal para sa mga mamamayan ng Gapan.

Tatlong linggo mula ngayon ay inaasahang mailalatag na sa siyudad ang fiber optic na magtatagal ng halos isang buwan kasunod na nito ay mag-dedesisyunan ang pamahalaang lokal ng kumpanyang magsusuplay ng internet sa buong siyudad.