≡ Menu

Netizens, sinisi si Pangulong Duterte sa pagsabog ng Taal Volcano sa Batangas

Netizens, sinisi si Pangulong Duterte sa pagsabog ng Taal Volcano sa Batangas

Tila walang pinipili na lugar ang mga bumabatikos kay Pangulong Rodrigo Duterte at kahit na sa gitna ng kalamidad ay mas pinili parin nila na sisihin ang lider na bansa.

Kahapon lamang ay itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Alert Level 4 ang sitwasyon ng Taal Volcano, kung saan mataas ang posibilidad na magkaroon ng matinding pagsabog.

Mahigit sa 7,000 na indibidwal na apektado ng pagsabog ng bulksan nitong Linggo, Enero 12, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Dahil dito, isinisisi ng ilang mga netizen kay Pangulong Duterte ang nangyayari sa Taal Volcano.

Sa twitter post ng isang netizen na si Yusuf Ledesma, sinabi nito na nais raw ng Taal Volcano na kainin ang mga DDS at si Duterte upang mailigtas ang bansa.

“Maybe Taal is asking for Duterte and DDS to be fed to its crater so that the disastrous future to be faced by PHL could be averted,” sabi nito sa kanyang tweet.

Ayon naman sa isa pang netizen, ang huling eruption umano ng Taal ay noong panahon ni Marcos.

“Taal’s last eruption was under the Marcos administration. Parallel another for the Duterte administration, will he play the same tricks again?” ayon sa tweet ni Josiah Antonio.

Binatikos rin si Pangulong Duterte dahil hindi parin umano ito nagbibigay ng pahayag tungkol sa nag-aalburutong bulkan.

“It’s been hours since the Taal eruption—still no statement from Duterte and Malacañang. This is an EMERGENCY for the urban poor & the homeless, who have no choice but to spend tonight breathing volcanic ashfall. We need to demand immediate action from the government,” sabi ni Rey Valmores Salinas sa kanyang tweet.

“Where is President Duterte when Filipinos need him the most. People are suffering the volcanic ashes and Taal Volcano erpting soon yet no televised warning or even advice of encouragement,” sabi rin ng isang netizen na nagngangalang Derique sa Twitter.

Ipinagtanggol naman ng isang netizen ang Pangulo sa mga bumabatikos sa kanya, at sinabi nito na hindi kailangan na mag presscon dahil inatasan na umano nito ang mga opisyales ng gobyerno upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga naapektuhan.

“People of the Republic of the Philippines; President Duterte no needs to set up press conference to address the nation with the ongoing magmatic unrest of Taal. The president have sent out his orders through his officials for evacuation and precautionary measures we can utilize,” sabi pa ng isang netizen.

Nilinaw ni Senador Bong Go na ninais ng Pangulong Duterte na magbalik agad ng Maynila nang sumabog ang Taal Vocano.

Gayunman, inabutan na aniya sila ng pagsasara ng NAIA kaya’t maaga na lamang silang lumipad kaninang umaga mula sa Davao City kung saan karaniwang nananatili ang Pangulo kapag weekend.

Sa ngayon ay inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na gawin ang nararapat na hakbang para matulungan ang mga biktima ng pagsabog ng Taal Volcano sa Batangas.