fbpx

PAO Chief Persida Acosta, bumuwelta kay Sen. Risa Hontiveros: Ako ba ang bumili ng Dengvaxia?



Read: Paano maging updated sa PhilNetizen sa inyong Facebook News Feed?

Binalikan ng banat ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta sina Sen. Risa Hontiveros at Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque matapos isisi sa kanya ang measles outbreak sa bansa at umanoy naging dahilan kung bakit maraming magulang ang natakot na pabakunahan ang kanilang mga anak.

Ayon kay Acosta, marami ang hindi nabakunahan dahil sa “under distribution” ng bakuna ng DOH mula 2014 hanggang 2017 batay sa ulat ng Commission on Audit (COA).

Idiniin na dapat itong ipaliwanag ng DOH at dapat alam din ni Hontiveros bilang kasapi ng Senate Committee on Health.

“Bakit, ako ba ang bumili ng Dengvaxia? Itanong mo nga sa kaniya? Senadora siya, dapat alam niya na nung 2014 hanggang 2017 ay may under distribution ng measles vaccine, pati sa polio. Almost 30 percent ng mga bata hindi nabakunahan, Umabot ng dalawang milyong bata ang hindi nabakunahan,” sabi ni Acosta sa isang panayam sa radyo.

READ:  1 vs 4? Atty. Larry Gadon, hinamon ng debate ang senatorial bet ng Otso Diretso

Idiniin naman na trabaho ng DOH sa pangunguna ni Duque na manghikayat sa mga magulang na pabakunahan ang mga anak.

“Ang mga magulang nga, dapat idemanda ang mga taga-DOH na responsible sa under distribution ng measles vaccine. Sa DOH, gawin nyo ang trabaho ninyo. Ang DOH ang ikampanya nyo ang mga subok na bakuna,” sabi pa ni Acosta sa panayam.

Mababatid na pinagbibitiw ni Hontiveros si Acosta dahil sa pananakot umano nito at ang kanyang politically motivated na mga akusasyon kaugnay sa Dengvaxia vaccine.

Iginiit din ni Hontiveros na ang pagtanggi ni Acosta na akuin ang responsibilidad ay patunay na ang mga kilos niya ay katrayduran sa public trust at pang-iinsulto sa mga pamilya na kanyang sinaktan.


Like it? Share with your friends!

Leave a Comment