fbpx

Leni Robredo, pinuna ang pagsaboy ng isang Chinese national ng ‘taho’ sa isang pulis sa MRT



Read: Paano maging updated sa PhilNetizen sa inyong Facebook News Feed?

Binatikos ni Vice President Leni Robredo ang pagsaboy ng isang Chinese national ng taho sa isang pulis sa istasyon ng Manila Metro Rail Transit System Line 3 (MRT-3).

Ayon kay Robredo, “hindi lang pambabastos sa pulis pero pambabastos ito sa bansa” ang ginawa ni Jiale Zhang, isang 23-year-old fashion design student, sa pagsaboy ng dala-dala nitong taho kay Police Officer 1 (PO1) William Cristobal sa MRT-3 Boni Station.

Ayon kay Robredo, ang insidenteng ito ay “wake-up call” sa ibini­bigay na special treatment sa mga Chinese nationals sa bansa.

“Wake-up call iyon sa ating lahat. Ano ba talaga? Maraming reklamo na iyong mga trabahong dapat sana sa Pilipino, naibibigay pa sa Intsik. Tapos ito pa, parang kinakalinga natin sila tapos binabastos nila tayo,” ani Robredo.

Kasabay nito ay inihayag din ni Robredo ang kanyang pagkabahala sa pagtaas ng bilang ng mga Chinese nationals na nagtatrabaho sa Pilipinas.

READ:  CBCP, tahimik sa pag-amin ni Pope Francis na ginagawang ‘sex slave’ ng mga pari at obispo ang mga madre

Matatandaan pinagbawalan ni PO1 Cristobal na makapasok ng MRT station si Zhang dahil sa bitbit ­nitong taho bunsod na rin ng ipinapairal na ­liquid ban.

Subalit imbes na itapon sa basurahan ang taho, isinaboy ito ng Chinese national sa katawan ng pulis.

Nakakulong ngayon si Zhang sa Mandaluyong Police Station matapos itong kasuhan ng direct assault, disobedience to agent of person in authority at unjust vexation.

Inirekomenda naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Guillermo Eleazar sa ­Bureau of Immigration (BI) na ideklarang undesirable alien si Zhang.


Like it? Share with your friends!

Leave a Comment